Mga patakaran sa PT
Una sa lahat, kailangan dito ng kooperasyon. H'wag pairalin ang pagiging mayabang, sakim at masama. Nandito tayong lahat upang maging magkakaibigan.
Pangalawa, ukol sa pagpo-post, naway iwasan natin magflood/spam lalo na kung walang sense pwera na lamang kung jokes ang mga iyon, pwedeng magmura kung kailangan, tutal lahat naman tayo nagmumura ngunit kung maaari'y bawas bawasan dahil hindi ito maganda.
Pangatlo, h'wag na h'wag gamitin ang kaarawan para sa pansariling interes gaya ng panghihingi ng regalo, hindi sa ipinagbabawal pero siguraduhing hindi ka perwisyo.
Pangapat, kung maaari'y walang sikretuhan sa samahang ito.
Panglima, ang paninirang puri, kung kayo ay magkagalit, iwasang mag away sa guild, kung ganoon ma'y sa iba kayo dahil nakakasira lamang kayo ng thread.