• Pilipino po ako
    Nabibilang sa isang lahing
    Pilit baguhin ng mundo.
    Ang kultura nami'y nagiging
    Materyal nalang ng mga libro
    Mga bata ngayon, ikinahihiya ang mga ninuno.

    Masaya kapag tinawag na mestiza
    Nahihiya kapag pinansin
    Ang kayumanggian nila
    Ano ba ang nangyari sa kagandahang Pilipina?
    Wala na, laos na, wala nang bisa.

    Ayaw ko pong pag-usapan ang pulitika
    Marumi ito at walang tapat na kongresista
    Bigyang diin nalang natin
    Ang mga nawawalang kultura ng bansa
    Bago ito makita na lamang
    Sa mga baryo piyesta.